Aklat ng Genesis

Mga Aklat ng Bibliya

Ang Henesis o Genesis[1] (Griyego: Γένεσις, kahulugan: "pagkasilang", "paglikha", "sanhi", "simula", "pinaghanguan", "ugat", o "pinagmulan") ay ang unang aklat ng Torah, Tanakh at ng Kristiyanong Lumang Tipan. Tinatawag din itong Unang Aklat ni Moises, ayon sa tradisyong Hudyo, dahil pinaniniwalaang sinulat ito ni Moises. Laganap na pananaw na Abramahiko na inspirado ito ng "Banal" o "isinulat mismo ng Diyos sa pamamagitan ng mga tao," kaya pinaniniwalaan ring may tiyak na katotohanan at walang pagkakamali ang aklat na ito.

Sa Ebreo (o Hebreo), tinatawag itong B'reshit o Bərêšîth (בראשית, mula sa unang salita ng tekstong Ebreo) na nangangahulugang "sa simula". Katulad rin ng pagpapangalan sa Henesis ang ginawang pagbibigay ng pamagat para sa iba pang apat na mga aklat ng Pentateuko.

  1. Abriol, Jose C. (2000). "Genesis". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy