Aklat ni Rut

Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ni Ruth o Aklat ni Rut[1] ay ang ikawalong aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Naglalahad ito ng kasaysayan ni Rut, isang Moabitang babae na nasapi sa bayan ng mga Israelita, dahil ito sa kaniyang pagpapakasal kay Boaz, isang mayamang nagmula sa Belen. Nangyari ito noong kapanahunan ng mga hukom, kaya karugtong at kasunod ito ng Aklat ng Mga Hukom.[1]

  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Rut". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy