Aparatong Geiger

Isang makabagong uri ng panukat na Geiger.

Ang panukat na Geiger o aparatong Geiger (tinatawag ding aparatong Geiger-Müller; Ingles: Geiger counter[1], Geiger-Müller counter, G-M counter) ay isang dosimetrong may kakayahang umalam ng pagkakaroon ng radyason at kakayahang sumukat sa antas ng radyasyong ito. Nilikha ang kasangkapang ito ni Hans Geiger, isang Alemang siyentipiko (1882-1945), at ni Ernest Rutherford noong 1908. Pinainam pa ito ni Walther Müller noong 1928. Napapansin at nababasa ng aparatong ito ang pagkakaroon ng radyasyon sa isang lugar. May ilan ding nakaaalam ng intensidad o lakas ng radyasyon, maging ang anggulo kung saan ito nanggagaling.[1]

  1. 1.0 1.1 "Geiger counter". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy