Benjamin Netanyahu | |
---|---|
Kapanganakan | 21 Oktubre 1949[1] |
Mamamayan | Israel |
Nagtapos | Suriang Pangteknolohiya ng Massachusetts |
Trabaho | politiko, diplomata, estadista, military personnel, politologo |
Pirma | |
Si Binyamin “Bibi” Ntanyahu (Ebreo: בנימין נתניהו), ipinanganak Oktubre 21, 1949 sa Tel Aviv-Yafo, ay ang ikasiyam na punong ministro ng Israel. Lumaki si Netanyahu sa Cheltenham, Pennsylvania at kilala siya sa personal niyang gamit na pangalan sa Inggles na Benjamin Netanyahu. Si Netanyahu ay nanilbihan bilang punong ministro ng tatlong beses: mula 1996 hanggang 1999, 2009 hanggang 2021, at nahalal muli noong Nobyembre 2022 na may kaunti pero panalong mayorya sa upuan ng parlamento.[2][3]
Nangakong maghahatid ng pagkakaisa sa bansa, ang kanyang mga reporma ay nagdulot ng iba't-ibang oposisyon at malakihang protesta laban sa kanyang administrasyon. Noong 2019, naakusahan si Netanyahu ng mga alegasyon ng korapsyon. Sinasabi na kumuha siya ng pondo mula sa mga mayayamang negosyante at binayaran niya ang iba't-ibang media at press outlet para makakuha ng positibong imahe. Siya'y napaharap sa paglilitis noong Mayo 2020.[4]
Itinuloy ng koalisyon ni Netanyahu ang repormang panghukuman, kung saan nagresulta ito ng mga protesta noong unang bahagi ng 2023. Noong Oktubre 2023, dumanas ang Israel ng malawakang pag-atake ng mga grupong Palestino na pinamumunuan ng Hamas, na nagdulot ng digmaang Israel–Hamas. Dahil sa kabiguan na mahulaan ang pag-atake, binatikos si Netanyahu sa pamumuno sa pinakamalaking kabiguan ng paniktik ng Israel sa loob ng 50 na taon,[5][6][7] at hinarap ang mga protesta na nananawagan na siya ay alisin. Ang gobyerno ni Netanyahu ay napagbintangan ng genocide, [8][9][10] na nagtatapos sa South Africa v. Israel sa harap ng International Court of Justice noong Disyembre 2023.[11][12] Noong Mayo 2024, inihayag ni Karim Khan, ang tagausig ng International Criminal Court, ang kanyang intensyon na mag-aplay para sa warrant ng pag-aresto para kay Netanyahu, at iba pang miyembro ng kanyang gabinete, para sa mga krimen sa digmaan at krimen laban sa sangkatauhan, bilang bahagi ng pagsisiyasat ng ICC sa Palestine.[13][14][15]
{{cite web}}
: no-break space character in |title=
at position 12 (tulong)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite magazine}}