Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Hulyo 2009) |
Chordata | |
---|---|
Iba't-ibang mga uri ng Chordata | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Superpilo: | Deuterostomia |
Kalapian: | Chordata Bateson, 1885 |
Klase | |
Silipin sa ibaba |
Ang phylum o kalapian na Chordata ay isang grupo ng mga hayop na binubuo ng lahat ng mga bertebrado at mga malalapit na imbertebrado. Sila ay magkakasama dahil, sa isang bahagi ng kanilang buhay nagkakaroon sila ng notokordo, isang hungkag na panlikod na kurdong nerbyos, mga pharyngeal slit, isang endostilo, at isang post-anal na buntot. Ang kalapian ng Chordata ay binubuo ng tatlong sublapi: Urochordata, Cephalochordata, at Craniata), kung saan napapabilang ang bertebrado. Ang Hemichordata ay sinasabing ang pang-apat na sublapi subalit karaniwang hinihawalay ito sa bilang isa pang kalapian.