Croatia

Republika ng Kroasya
Republika Hrvatska
Watawat ng Kroasya
Watawat
Eskudo ng Kroasya
Eskudo
Awiting Pambansa: Lijepa naša domovino
Our beautiful homeland
Kinaroroonan ng  Croatia  (kahel) sa Europe  (puti)  —  [Gabay]
Kinaroroonan ng  Croatia  (kahel)

sa Europe  (puti)  —  [Gabay]

KabiseraZagreb
Pinakamalaking lungsodcapital
Wikang opisyalWikang Kroatyano1
KatawaganCroat, Kroatyano
PamahalaanParliamentary republic
• Pangulo
Zoran Milanović
Andrej Plenković
Gordan Jandroković
Itinatag
7852
879
• Kingdom
925
• Union with Hungary
1102
• Joined Habsburg Empire
1 Enero 1527
• Independence from Austria–Hungary
29 Oktubre 1918
• Joined Yugoslavia3
29 Nobyembre 1943
• Decision on independence
25 Hunyo 1991
• Declaration of independence
Ocktubre 8, 1991
Lawak
• Kabuuan
56,594 km2 (21,851 mi kuw) (126th)
• Katubigan (%)
1.09
Populasyon
• Pagtataya sa 2017
4,154,200[1] (129th)
• Senso ng 2011
4,284,889[2]
• Densidad
75.8/km2 (196.3/mi kuw) (126th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2018
• Kabuuan
$106.548 billion[3]
• Bawat kapita
$31.776$[3]
KDP (nominal)Pagtataya sa 2018
• Kabuuan
$61.056 billion[3]
• Bawat kapita
$14,788[3]
Gini (2018)29.7
mababa
TKP (2015)0.827[4]
napakataas · ika-45
SalapiKuna (HRK)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono385
Kodigo sa ISO 3166HR
Internet TLD.hr
  1. Also Italian in Istria and languages of other national minorities (Hungarian, Czech, Slovak, Serbian, etc.) in residential municipalities of the national minorities.
  2. Shortly after the reign of Prince Višeslav, Franks were defeated in 803.
  3. Before co-founding the Democratic Federal Yugoslavia, Croatia co-founded the Kingdom of Yugoslavia on 1 Disyembre 1918.

Ang Kroasya (pagbigkas: kro•wey•s'ya; Kroata: Hrvatska), opisyal na tinutukoy na Republika ng Kroasya (Kroata: Republika Hrvatska), ay isang nakapangyayaring bansa sa tagpuan ng Gitnang Europa, Timog-silangang Europa, at ng Dagat Mediterranean. Zagreb ang kabiserang lungsod nito, na bumubuo rin sa isa sa mga pangunahing subdibisyon ng bansa, kabilang ang 20 pang county. May lawak na 56,594 km2 ang Kroasya na may samot saring klima ngunit ang karaniwan ay klimang kontinental at Mediterranean. May higit sa isang libo ang mga pulo ng Kroasya sa baybáyin nito sa Dagat Adriatic. Umaabot sa 4.28 milyon ang populasyon ng bansa, na ang karamihan ay mga Croat, na ang karamihan naman ay mananampalataya ng Simbahang Katolika.

Dumating ang mga Croat sa lugar ng kasalukuyang Kroasya noong unang bahagi ng ika-7 siglo. Dalawang dukado ang naitatag bandang ika-9 na siglo. Si Tomislav ang naging unang hari noong 925, na nagtaas sa katayuan ng Kroasya bilang isang kaharian. Napanatili ng Kaharian ng Kroasya ang kaniyang soberanya sa loob ng dalawang siglo. Naabot nito ang rurok ng kapangyarihan nito noong panahon nina Haring Petar Krešimir IV at Dmitar Zvonimir. Noong 1102, pumasok sa isang personal na unyon ang Kroasya sa Kaharian ng Hungary. Nang maharap sa pananakop ng mga Ottoman noong 1527, hinalal ng Parlamento ng Kroasya si Ferdinand I ng Dinastiyang Hapsburg sa trono ng Kroasya. Noong 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, isinama ang Kroasya sa di-kinilalang State of Slovenes, Croats and Serbs na humiwalay sa Austria-Hungary, at sumanib ito sa Kaharian ng Yugoslavia. Umiral ang isang pasistang papet na estado na sinuportahan ng Pasistang Italya at Nazing Alemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, isa ang Kroasya sa nagtatag at bumuo ng Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia na isang sosyalistang estado batay sa saligang-batas nito. Noong 25 Hunyo 1991, nagpahayag ng kasarinlan ang Kroasya, na umiral noong Oktubre 8 nang naturang taon. Naging matagumpay ang Kroasya sa digmaan para sa kasarinlan nito makaraan ang apat na taon nang ipahayag ang kasarinlan nito.

  1. "EU population up to almost 512 million at 1 January 2017". Eurostat. Nakuha noong Hulyo 2 2018. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  2. "Population by age and sex, by settlements, 2011 census". Central Bureau of Statistics. Nakuha noong Hulyo 2 2018. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "Croatia". International Monetary Fund. Nakuha noong Hulyo 2 2018. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  4. ""2016 Human Development Report" (PDF). United Nations. Nakuha noong Hulyo 2 2018. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy