Daang Palibot Blg. 5 | |
---|---|
Circumferential Road 5 (Ingles) Daang C-5 | |
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) at Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) | |
Bahagi ng |
|
Pangunahing daanan | |
Daang palibot sa paligid ng Kalakhang Maynila | |
Daang C-5 (pangunahing ruta) | |
Haba | 32.5 km[1] (20.2 mi) |
Dulo sa hilaga | N1 (Lansangang MacArthur) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa timog | East Service Road |
Karugtong ng C-5 | |
Haba | 9.8 km (6.1 mi) |
Dulo sa silangan | West Service Road |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | E3 |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Valenzuela, Lungsod Quezon, Marikina, Pasig, Makati, Taguig, Parañaque, at Las Piñas |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Daang Palibot Blg. 5 (Ingles: Circumferential Road 5), mas-tanyag bilang C-5 o Daang C-5 (C-5 Road), ay isang pinag-ugnay na mga daan at tulay na bumubuo sa isang pangunahing ruta at dumadaan sa Kalakhang Maynila[2] Kilala rin ito nang opisyal bilang Abenida Carlos P. Garcia (Ingles: Carlos P. Garcia Avenue), at bilang N11, N128 at N129 sa Pambansang Sistema ng Pagnunumero ng Ruta (National Route Numbering System) na inilunsad noong 2014. Ang mga bahaging mabilisang daanan, bahagi ng North Luzon Expressway Mindanao Avenue at Karuhatan Link, ay nakanumerong E5.
Nagsisilbi itong daang palibot sa paligid ng Lungsod ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Sinasaklaw nito ang 32.5 kilometro (o 20.2 milyang) ruta sa ligid ng kabisera pagdaan nito sa mga lungsod ng Parañaque, Taguig, Makati, Pasig, Marikina, Lungsod Quezon at Valenzuela. Kalinya nito ang mga apat na iba pang daang palibot sa Kamaynilaan, at kinokonsidera itong pangalawang pinakamahalagang koridor pantransportasyon, pagkatapos ng Daang Palibot Blg. 4 na mas-kilala bilang EDSA.[3]
Hindi pa kompleto ang buong daang palibot sa ngayon, dahil sa mga pagtatalo ukol sa right of way, subalit ang ilang bahagi nito ay bukas na para sa publiko.[2][4]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang C-5 Controversy
); $2