Hanapbuhay

Isang uri ng paghahanapbuhay.
Isang panday na nagtratrabaho

Ang hanapbuhay, hanap-buhay, pinagkakakitaan, paggawa o trabaho (Kastila: trabajo, Ingles: work, job, employment, labor, labour, occupation) ay ang gawain, gampanin, o tungkulin na isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng kapalit na salapi, gana, o suweldo. Tinatawag ang taong naghahanapbuhay bilang manggagawa, empleyado, o trabahador.

Isang intensyunal na aktibidad na ginagampanan ng tao ang trabaho upang suportahan ang mga pangangailangan at kagustuhan nila, ng iba, o isang mas malawak na pamayanan.[1] Sa konteksto ng ekonomika, maaring makita ang trabaho bilang isang aktibidad ng tao na nag-aambag (kasama ang mga kadahilanan ng produksyon) tungo sa mga kalakal at serbisyo sa loob ng isang ekonomiya.[2]

Pangunahing nagtratrabaho ang mga tao sa araw.[3] Prominenteng paksa naman ang paghahati ng trabaho sa mga agham panlipunan bilang parehong konseptong basal at isang katangian ng indibiduwal na kalinangan.[4]

May ilang tao ang pinpuna ang trabaho at inihahayag na buwagin ito. Halimbawa, ang aklat ni Paul Lafargue na The Right to Be Lazy.[5]

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Def1); $2
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Def2); $2
  3. Blume, C; Garbazza, C; Spitschan, M (Setyembre 2019). "Effects of light on human circadian rhythms, sleep and mood". Somnologie (sa wikang Ingles). 23 (3): 147–156. doi:10.1007/s11818-019-00215-x. PMC 6751071. PMID 31534436.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang DivOfLabor); $2
  5. "Work Definition" (sa wikang Ingles). Oxford English Dictionary. Nakuha noong 23 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy