PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA.
Ang Hanja ay ang isang salitang Koreano para sa kanilang Panulat na Tsino. Ito ay tumutukoy sa mga titik Tsino na hiniram mula sa Wikang Tsino at isinama sa Wikang Koreano kasama ang mga ponetiko nito. Ang Hanja-mal o ang hanja-eo ay tumutukoy sa mga salitang maaaring isulat kasama ang hanja, at ang hanmun (한문, 漢文) ay tumutukoy sa panulat ng mga Sinaunang Tsino, subalit ang "hanja" ay mas kadalasang ginagamit upang tukuyin ang lahat ng konsepto nito. Dahil hindi gaano nagbago ang hanja, ang mga ito ay halos kahalintulad ng sa panulat na tradisyunal na Tsino at sa mga karakter na kyūjitai. Iilan lamang sa mga titik hanja ang binago o bukod tangi.
Datapwat mayroon isang ponetikong Koreanong alpabeto na nabuo ng isang pangkat ng mga dalubhasa na tinalaga ni Haring Sejong, na ngayon ay kilala bilang hangul, hindi agad naging malawaka ang paggamit dito hanggang noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon hanggang unang bahagi ng ika-20 dantaon. Kaya, noong mga panahon na iyon, kinakailangan na mahusay sa pagbasa at pagsulat ng hanja upang maging isang muwang na Koreano, dahil sa karamihan ng mga literaturang Koreano at ang ibang mga dokumentong Koreano ay nakasulat sa hanja. Ngayon, ang Hanja ay may iba nang ginagampanan. Ang mga iskolar na nains mag-aral ng kasaysayan ng Korea ay kailangang matutong magbasa ng hanja upang mabasa ang mga dokumentong pangkasaysayan. Para sa karaniwang Koreano, ang pag-aaral ng ilang hanja ay nakakatulong ng malaki sa kanila upang maunawaan ang mga salitang bumubuo dito. Hindi isinusulat ang hanja sa pagsusulat ng mga katutubong salitang Koreano, kung saan hangul ang ginagamit, at kahit ang mga salitang hango sa wikang Tsino - hanja-eo (한자어, 漢字語) — ay mas kadalasang isinusulat din sa alpabetong hangul.