Intramuros

Intramuros
Pakanan: Katedral ng Maynila, Baluarte de San Diego, Plaza San Luis, Palacio del Gobernador, Kutang Santiago, at Simbahan ng San Agustin
Opisyal na sagisag ng Intramuros
Logo ng Administrasyon ng Intramuros
Palayaw: 
Napapaderang Lungsod
Bansag: 
Insigne y siempre leal Ciudad de Manila
Natatangi at Matapat na Lungsod ng Maynila
Mga koordinado: 14°35′29″N 120°58′25″E / 14.59147°N 120.97356°E / 14.59147; 120.97356
BansaPilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon
LungsodMaynila
Mga barangay5
Lawak
 • Kabuuan0.67 km2 (0.26 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2007[1])
 • Kabuuan5,015
 • Kapal7,500/km2 (19,000/milya kuwadrado)

Ang Intramuros (wikang Latin ng "loob ng kuta") sa Maynila ay ang kuta at ang pinakamatandang kabayanan ng Maynila.

May lawak itong 67 ektarya at ang nangangasiwa dito ay ang Administrasyon ng Intramuros (IA), na nilikha sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1616, na nilagdaan noong 1979.[2] Ang tungkulin ng IA ay paunlarin, pangalagaan, pangasiwaan at itayo muli ang mga gusali at istraktura, pati na ang mga kuta ng Intramuros.

Ang Intramuros ay tinatawag ding Napapaderang Lungsod (Ingles:Walled City), at nung panahon ng mga Kastila ay itinuturing bilang ang lungsod ng Maynila. Ang tawag sa mga distrito sa labas ng pader ay extramuros, na nangangahulugang "sa labas ng pader".[3][4]

Sinimulan ng pamahalaang kolonyal ng Kastila ang pagtatayo ng pader pangdepensa noong huling mga bahagi ng ika-16 siglo upang protektahan ang lungsod mula sa mga mananakop sa ibayo. Ang 0.67 km2 na nakapader na lungsod ay orihinal na matatagpuan sa baybayin ng Look ng Maynila, timog ng pasukan ng Ilog Pasig. Ang Fort Santiago ang nakatalagang tagabantay ng lungsod, kung saan ang kuta nito ay matatagpuan sa bunganga nig ilog. Dahil sa reklamasyon ng lupa na ginawa noong unang mga bahagi ng ika-20 siglo naatras ang mga pader at kuta nito mula sa baybayin.

Lubusang nawasak ang Intramuros dahil sa pagbobomba sa labanan upang mabawi ang lungsod mula sa puwersang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinimulan ang pagtatayong muli ng mga pader noong 1951 kung kailan idineklara ang Intramuros bilang Pambansang Makasaysayang Bantayog, kung saan isinasagawa pa rin ito hanggang sa kasalukuyan ng Administrasyong Intramuros (Intramuros Administration, IA).

Sa ulat na Saving Our Vanishing Heritage (Sagipin Ang Ating Naglalahong Mga Pamana) nilabas ng Global Heritage Fund noong 2010, nakatala ang Intramuros sa isa sa mga 12 mga pook sa buong daigdig na nanganganib mawasak at mawala,[5] kung saan nabanggit ang hindi maayos na pamamalakad at paggigipit sa pag-unlad.[6]

  1. "Final Results - 2007 Census of Population". Philippine Census Bureau. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-11-20. Nakuha noong 2010-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Presidential Decree No. 1616, s. 1979". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobiyembre 14, 2017. Nakuha noong July 12, 2017. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. Journal of American Folklore, Volumes 17-18. United States: American Folklore Society. 1904. p. 283. ISBN 1248746058. Nakuha noong 2012-08-12.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. O'Connell, Daniel (1908). Manila, the Pearl of the Orient. Manila Merchants' Association. p. 20. ISBN 0217014798. Nakuha noong 2012-08-12.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Global Heritage in the Peril: Sites on the Verge". Global Heritage Fund. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Agosto 20, 2012. Nakuha noong Agosto 25, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Angeles, Rose Beatrix C. (Hulyo 9, 2008). "Intramuros, Manila". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 27 Pebrero 2012. Nakuha noong Agosto 25, 2012. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |newspaper= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy