Iosif Vissarionovich Stalin | |
---|---|
Иосиф Виссарионович Сталин იოსებ ბესარიონის ძე სტალინი | |
Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Buong Unyong Partido Komunista (Bolshebista) | |
Nasa puwesto 3 Abril 1922 – 16 Oktubre 1952 | |
Nakaraang sinundan | Vyacheslav Molotov (Responsableng Kalihim ng PKR(b)) |
Sinundan ni | Nikita Kruschov (Unang Kalihim ng PKUS) |
Tagapangulo ng Konseho ng mga Ministro ng Unyong Sobyetiko | |
Nasa puwesto 15 Marso 1946 – 5 Marso 1953 | |
Unang Diputado |
|
Sinundan ni | Georgy Malenkov |
Ministro ng Sandatahang Lakas ng Unyong Sobyetiko | |
Nasa puwesto 15 Marso 1946 – 3 Marso 1947 | |
Sinundan ni | Nikolai Bulganin |
Personal na detalye | |
Isinilang | Ioseb Besarionis dze Jughashvili იოსებ ბესარიონის ძე ჯუღაშვილი 18 [L.I. 6] Disyembre 1878 Gori, Imperyong Ruso |
Yumao | 5 Marso 1953 (edad 74) Mosku, Unyong Sobyetiko |
Himlayan | Nekropolis ng Pader Kremlin Mausoleo ni Lenin (1953–1961) |
Partidong pampolitika | PKUS (1912–1953) |
Ibang ugnayang pampolitika |
Ibang posisyon inokupa
|
Asawa |
|
Anak |
|
Ama | Ekaterine Geladze |
Ina | Besarion Jughashvili |
Edukasyon | Seminaryong Espirituwal ng Tbilisi |
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Sobyetikong Rusya Unyong Sobyetiko |
Sangay/Serbisyo | |
Taon sa lingkod |
|
Ranggo |
|
Atasan |
|
Labanan/Digmaan |
|
Pagkakasapi sa institusyong sentral
Other offices held
|
Si Iosif Vissarionovich Stalin (Disyembre 18, 1878 – Marso 5, 1953), ipinanganak na Ioseb Besarionis dze Jughashvili, ay manghihimasik at politikong Heorhiyano na naglingkod bilang pinuno ng Unyong Sobyetiko mula 1922 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1953. Hinawakan niya ang mga pangunahing posisyon na Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista sa pagitan ng 1922 at 1952 at Tagapangulo ng Konseho ng mga Ministro sa pagitan ng 1941 at 1953. Namahala sa simula bilang bahagi ng isang kolektibong pamumuno, pinagtipon niya ang kapangyarihan noong dekada 1930 upang maging ganap na diktador. Ideolohikong sumunod sa Leninistang interpretasyon ng Marxismo, ginawa niyang pormal at sinetetisa ang dalawa upang mabuo ang Marxismo–Leninismo, habang ang kanyang mga sariling ideya at patakaran ay tinatawag na Stalinismo.
Itinuturing na isa sa mga pinakamahalagang tao ng ika-20 dantaon, patuloy na nagiging kontrobersyal na pigura si Stalin. Naging paksa siya ng isang kulto ng personalidad sa pandaigdigang kilusang Marxista–Leninista, kung saan iginagalang siya bilang kampeon ng uring manggagawa at sosyalismo. Nananatili ang kanyang katanyagan sa Rusya at Heorhiya bilang matagumpay na pinuno sa panahon ng digmaan na ginapi ang pasismo at nagpatibay sa katayuan ng Unyong Sobyetiko bilang nangungunang kapangyarihan sa mundo. Sa kaibhan nito, kinokondena ang kanyang rehimen bilang totalitaryo na nangasiwa sa malawakang panunupil, sapilitang deportasyon, etnikong paglilinis, libu-libong ehekusyon, at taggutom na pumatay ng milyun-milyong mamamayan.