Joseph Stalin

Iosif Vissarionovich Stalin
Иосиф Виссарионович Сталин
იოსებ ბესარიონის ძე სტალინი
Opisyal na litrato ni Stalin para sa lehislatibong halalan ng Unyong Sobyetiko noong 1950.

Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Buong Unyong Partido Komunista (Bolshebista)
Nasa puwesto
3 Abril 1922 – 16 Oktubre 1952
Nakaraang sinundanVyacheslav Molotov (Responsableng Kalihim ng PKR(b))
Sinundan niNikita Kruschov (Unang Kalihim ng PKUS)

Tagapangulo ng Konseho ng mga Ministro ng Unyong Sobyetiko
Nasa puwesto
15 Marso 1946 – 5 Marso 1953
Unang Diputado
  • Nikolai Voznesensky
  • Vyacheslav Molotov
  • Nikolai Bulganin
Sinundan niGeorgy Malenkov

Ministro ng Sandatahang Lakas ng Unyong Sobyetiko
Nasa puwesto
15 Marso 1946 – 3 Marso 1947
Sinundan niNikolai Bulganin
Personal na detalye
Isinilang
Ioseb Besarionis dze Jughashvili
იოსებ ბესარიონის ძე ჯუღაშვილი

18 [L.I. 6] Disyembre 1878
Gori, Imperyong Ruso
Yumao5 Marso 1953(1953-03-05) (edad 74)
Mosku, Unyong Sobyetiko
HimlayanNekropolis ng Pader Kremlin
Mausoleo ni Lenin (1953–1961)
Partidong pampolitikaPKUS (1912–1953)
Ibang ugnayang
pampolitika
  • RSDLP (1898–1903)
  • RSDLP (Bolsheviks) (1903–1918)
  • RCP (mga Bolshevik) (1918–1925)
  • Unyon ng mga Komunista at Di-Partidista (mula 1936)
    • BUKP (b) (1925–1952)

Asawa
  • Ekaterine Svanidze (k. 1906–07)
  • Nadezhda Alliluyeva (k. 1919–32)
Anak
  • Yakov Dzhugashvili
  • Vasily Stalin
  • Svetlana Alliluyeva
  • Artyom Sergeyev (ampon)
AmaEkaterine Geladze
InaBesarion Jughashvili
EdukasyonSeminaryong Espirituwal ng Tbilisi
Pirma
Serbisyo sa militar
Katapatan Sobyetikong Rusya
Unyong Sobyetiko
Sangay/Serbisyo
Taon sa lingkod
  • 1918–1921
  • 1941–1953
Ranggo
  • Mariskal ng Unyong Sobyetiko (1943)
Heneralisimo ng Unyong Sobyetiko (1945)
Atasan
Labanan/Digmaan

Ika-2 Pinuno ng Unyong Sobyetiko
(Enero 21, 1924Marso 5, 1953)

Si Iosif Vissarionovich Stalin (Disyembre 18, 1878Marso 5, 1953), ipinanganak na Ioseb Besarionis dze Jughashvili, ay manghihimasik at politikong Heorhiyano na naglingkod bilang pinuno ng Unyong Sobyetiko mula 1922 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1953. Hinawakan niya ang mga pangunahing posisyon na Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista sa pagitan ng 1922 at 1952 at Tagapangulo ng Konseho ng mga Ministro sa pagitan ng 1941 at 1953. Namahala sa simula bilang bahagi ng isang kolektibong pamumuno, pinagtipon niya ang kapangyarihan noong dekada 1930 upang maging ganap na diktador. Ideolohikong sumunod sa Leninistang interpretasyon ng Marxismo, ginawa niyang pormal at sinetetisa ang dalawa upang mabuo ang Marxismo–Leninismo, habang ang kanyang mga sariling ideya at patakaran ay tinatawag na Stalinismo.

Itinuturing na isa sa mga pinakamahalagang tao ng ika-20 dantaon, patuloy na nagiging kontrobersyal na pigura si Stalin. Naging paksa siya ng isang kulto ng personalidad sa pandaigdigang kilusang Marxista–Leninista, kung saan iginagalang siya bilang kampeon ng uring manggagawa at sosyalismo. Nananatili ang kanyang katanyagan sa Rusya at Heorhiya bilang matagumpay na pinuno sa panahon ng digmaan na ginapi ang pasismo at nagpatibay sa katayuan ng Unyong Sobyetiko bilang nangungunang kapangyarihan sa mundo. Sa kaibhan nito, kinokondena ang kanyang rehimen bilang totalitaryo na nangasiwa sa malawakang panunupil, sapilitang deportasyon, etnikong paglilinis, libu-libong ehekusyon, at taggutom na pumatay ng milyun-milyong mamamayan.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy