Kaharian (biyolohiya)

LifeDomainKingdomPhylumClassOrderFamilyGenusSpecies
The hierarchy of biological classification's eight major taxonomic ranks. Padron:Biological classification/core Intermediate minor rankings are not shown.

Mula sa taksonomiya ng biyolohiya, ang kaharian (Ingles: kingdom o regnum) ay isang kahanayang pang-taksonomiya na maaaring (batay sa kasaysayan) ang pinakamataas na ranggo, o (ayon sa bagong pamamaraang may-tatlong dominyo) ang hanay sa ilalim ng dominyo. Nahahati ang bawat kaharian sa mas maliliit na mga kalipunang tinatawag na kalapian. Sa kasalukuyan, gumagamit ang mga araling-aklat mula sa Estados Unidos ng pamamaraang may anim na kaharian: Animalia, Plantae, Fungi, Protoctista, Archaea, at Monera; habang ang mga saligang-aklat naman sa Britanya at Australia ay naglalarawan ng limang kaharian: Animalia, Plantae, Fungi, Protista, at Prokaryota o Monera.

Kinilala ni Carolus Linnaeus ang dalawang kaharian ng mga nabubuhay na nilalang: Animalia para sa mga hayop at Vegetabilia para sa mga halaman (ibinalangkas din ni Linnaeus ang mga mineral, na nilagay niya sa ikatlong kaharian na Mineralia). Pinagpangkat-pangkat ni Linnaeus ang bawat kaharian sa mga klase, na nang lumaon ay tinipon bilang kalapian para sa mga hayop at dibisyon para sa mga halaman.

Unti-unti naging maliwanag kung gaano kahalaga ang pagkilala sa pagkakaiba ng mga prokaryote at eukaryote, at pinatanyag nina Stanier at van Niel ang mungkahi ni Chatton noong mga dekada ng 1960.[1]

  1. R. Y. Stanier at C. B. van Niel (1962). "The concept of a bacterium (Ang diwa ng isang bakteryum". Arch. Microbiol. 42: 17–35.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy