Kalamnan

Kalamnan
Naglalaman ang katawan ng tatlong uri ng tisyung kalamnan: (a) kalamnang pambuto, (b) kalamnang makinis, at (c) kalamnang pampuso. (Parehong magnipikasyon)
Isang iskematikong diyagrama ng iba't ibang uri ng selulang kalamnan (parehong pagkakaayos tulad ng nasa taas)
Mga pagkakakilanlan
FMA5022 30316, 5022
Larawang nagpapakita ng mga kalamnan ng isang lalaki
Maskuladong lalaki
Larawang nagpapakita ng mga kalamnan ng isang babe
Maskuladong babae
Mga kalamnan ng tao

Ang laman, kalamnan, masel, o muskulo (sa Ingles: muscle; sa Latin: musculus, na may kahulugang "bubwit" o "maliit na daga")[1] ay mga nagpapagalaw na mga tisyu ng katawan at hinango mula sa patong na mesodermal ng mga selulang mikrobyong embriyoniko. Sa mga bertebrado, inuuri ang tisyung kalamnan sa pambuto (iskeletal), pampuso (kardiyako), at kalamnang makinis,[2][3] at tungkulin nitong lumikha ng lakas (puwersa) at magdulot ng galaw, na maaaring lokomosyon o kilos sa loob ng mga lamang loob (organong panloob).

Nangyayari ang karamihan sa mga paggalaw ng mga kalamnan na hindi direktang pinapagalaw ng isip at kinakailangang para sa buhay, katulad ng galaw ng puso, o peristalsis na nagtutulak sa pagkakaing lumalagos sa sistema ng dihestiyon (sistemang panunaw). Ginagamit ang kusang-loob na paggalaw sa pagpapakilos ng katawan, at maaaring pinuhin at pigilin, katulad ng mga galaw ng mata, o magaspang na kilos tulad ng sa muskulong kuwadriseps ng hita. May dalawang malawakang uri ng himaymay o pibro ng mga lamang kusang-napapagalaw (boluntaryo), mabagal na pintig at mabilis na pintig. Kumikilos ang mga himaymay na may mabagal na pintig sa loob ng mahahabang mga panahon subalit gumagamit na kaunting puwersa, habang maliksi namang gumagalaw at madaling mapagod ang mga himaymay na mabilis kung pumintig.

  1. "Kahulugan at pinagmulan ng salitang muscle". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-08-20. Nakuha noong 2007-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. KMLE Medical Dictionary. "KMLE Medical Dictionary Definition of muscle (Kahulugan ng laman mula sa Talasalitaang Pangmedisina ng KMLE)". Isinangguni noong 17 Peb 2006.
  3. "eLS" (sa wikang Ingles). Wiley. 30 Mayo 2001. doi:10.1002/9780470015902.a0026598. Nakuha noong 24 Abril 2023. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy