Kalihim ng Estado

Ang Kalihim ng Estado o Sekretaryo ng Estado (Sekretarya ng Estado kung babae) ay isang pangkaraniwang pamagat o titulo ng isang opisyal ng pamahalaan. Iba-iba ang mga tungkulin o gampanin nito sa sari-saring mga bansa, at sa ilang pagkakataon mayroong maraming mga Kalihim ng Estado sa isang pamahalaan. Sa karamihan ng mga bansa, isang opisyal na nasa gitnang antas ng pamahalaan ang Kalihim ng Estado. Sa Nagkakaisang Kaharian, isang mataas na opisyal ng pamahalaan ang Kalihim ng Estado. Sa pamahalaang pederal ng Estados Unidos, iisa lamang ang Kalihim ng Estado, at siyang may tungkulin sa ugnayang panlabas, na katumbas ng isang ministro ng ugnayang panlabas o sekretaryo ng ugnayang panlabas. Sa Banal na Sede o Tanggapan ng Santo Papa[1] (ang Holy See[1]), mayroong isang Kalihim ng Estado na nangangasiwa sa lahat ng mga kagawaran o departamento ng Kuryang Romano, na katumbas ng isang punong ministro.

  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Holy See, tanggapan at kapangyarihan ng Papa - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy