Ang katarungan o hustisya ay tumutukoy sa katuwiran (binabaybay ding katwiran[1]), pagiging wasto o kawastuhan (binabaybay ding kawastuan), katumpakan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman. Ibinibigay sa makatarungang paghuhukom, paghuhusga, o gawain ang parehas na paghahawak at pakikitungo, at pagbibigay ng karampatang gawad o trato, o kaya ng karampatang pagkilala.[2]
Kaugnay o katumbas ito ng mga salitang pagwawasto, kaparehasan[2], kaganapan, at kapangyarihan.[1]
Sa pananampalataya, katulad ng Katolisismo o Kristiyanismo, tumutukoy ang katarungan sa palaging pagtupad sa "mahal na kalooban" ng Diyos, sa gawang kabanalang tulad ng pagbibigay ng limos, pagdarasal, at pag-aayuno; at may kaugnayan sa o katumbas din ng kabutihan, kabanalan, at relihiyon.[3]
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Justice Naka-arkibo 2012-10-28 sa Wayback Machine..
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa bilang 5 at 6, pahina 1436; at talababa bilang 6, pahina 1438