Gumawa | Mga tagapamahagi ng komunidad, Linus Torvalds |
---|---|
Sinulat sa | C, assembly language, at mga iba |
Pamilya | Unix-like |
Estado ng paggana | Kasalukuyan |
Modelo ng pinaggalingan | Open source |
Unang labas | 17 Setyembre 1991 |
Repositoryo | git.kernel.org/pub/scm/linux/kernel/git/torvalds/linux.git/ |
Layunin ng pagbenta | Cloud computing, embedded devices, mainframe computers, mobile devices, personal computers, servers, supercomputers |
Magagamit sa | Multilingual |
Plataporma | Alpha, ARC, ARM, C-Sky, Hexagon, IA-64, LoongArch, m68k, Microblaze, MIPS, Nios II, OpenRISC, PA-RISC, PowerPC, RISC-V, s390, SuperH, SPARC, x86, Xtensa |
Uri ng kernel | Monolithic |
Userland | GNU, BusyBox |
User interface |
|
Lisensiya | GPLv2[2] |
Opisyal na website | kernel.org |
Mga artikulo sa serye | |
Linux kernel Linux distribution |
Ang Linux (pagbigkas: IPA: /ˈlɪnʊks/, lin-uks) ay isang operating system kernel para sa mga operating system na humahalintulad sa Unix. Isa ang Linux sa mga pinaka-prominanteng halimbawa ng malayang software at pagsasagawa ng open source (bukas na pinagkukunang kodigo); madalas, malayang mapapalitan, gamitin, at maipamahagi ninuman ang lahat ng pinag-ugatang source code (pinagmulang kodigo).
Ang kauna-unahang paglabas sa publiko ng Linux kernel ay noong 17 Setyembre 1991, para sa arkitektura ng Intel x86 PC. Sinama ang kernel sa system utilities at libraries mula sa proyektong GNU upang makalikha ng isang magagamit na operating system, kung saan nabuo ang iminumungkahing, alternatibong terminong GNU/Linux. Naka-empake ang Linux para sa iba't-ibang gamit sa mga ipinapamahaging Linux, kung saan ito'y naglalaman ng minsa'y nabagong kernel kasama ng mga iba't-ibang software packages para sa iba't-ibang pangangailangan.
Mas kilala ang Linux bilang pang-server, sinusuportahan ang Linux ng mga korporasyon gaya ng Dell, Hewlett-Packard, IBM, Novell, Oracle Corporation, Red Hat, at Sun Microsystems. Ginagamit rin ito bilang operating system sa mga hardwer ng kompyuter, kagaya ng kompyuter pang-desktop, mga supercomputer, mga sistemang larong bidyo, tulad ng PlayStation 2, 3, at ng marami pang larong arcade, at kagamitang naka-embed, tulad ng mga cellphone at mga router.
Noong 1992, pinaliwanag ni Linus Torvalds na ang kanyang pagbanggit sa Linux ay /ˈlɪnʊks/, ngunit madalas ding gamitin ang ibang baryasyon ng karamihan.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)