Luwang ng daambakal

Ang luwang ng daambakal (Ingles: track gauge o rail gauge) ay ang sukat ng luwang sa pagitan ng mga gilid panloob sa ulo ng dalawang magkabilang riles na bumubuo sa isang linyang daambakal. May tatlong uri ng luwang ng daambakal, na pinangungunahan ng pamantayang luwang na may sukat na 1,435 mm. Mayroon ding luwang na mas malapad o makitid sa pamantayang luwang. Halos sesenta porsiyento sa lahat ng mga daambakal sa mundo ay gumagamit ng pamantayang luwang.

Hindi lahat ng mga sistemang daambakal ay may luwang: halimbawa, isahan lang ang riles ng monorail kaya wala itong luwang.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy