Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Ang Malayang Konsorsiyong Komunal ng Ragusa[1] ay isang malayang konsorsiyong komunal ng mga munisipalidad na may 317 136 na naninirahan sa Sicilia, kasama ang Ragusa bilang kabesera nito. Kinuha nito ang binuwag na rehiyonal na lalawigan ng Ragusa noong 2015; ang nakaraang lalawigan ay naitatag noong 1926, sa loob ng dalawampung taon ng pasismo.[2]
Ang konsorsiyo ay may lawak na 1,614 km² at isang densidad ng populasyon na humigit-kumulang 193 na naninirahan bawat km²; kabilang dito ang labindalawang munisipalidad: Ragusa, Acate, Chiaramonte Gulfi, Comiso, Giarratana, Ispica, Modica, Monterosso Almo, Pozzallo, Santa Croce Camerina, Scicli, at Vittoria.[3] Ito ay may hangganan sa mga malayang konsersiyo ng Syracuse at Caltanissetta, at ang Kalakhang Lungsod ng Catania; ang katimugang bahagi nito ay tinatanaw ang Dagat Mediteraneo. Ang mga lungsod ng Ragusa, Modica, at Scicli (bahagi ng sinaunang Val di Noto at sa mga kamakailang panahon ay bahagi Malayang Konsorsiyong Komunal ng Ragusa) ay kinilala bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO mula noong 2002.