Martes

Ang pangalan ng diyos-diyosang si Týr, katumbas na diyos-diyosang si Marte ng mga Romano, ang pinagmulan ng salitang "Martes."

Ang Martes ay ang araw ng linggo sa pagitan ng Lunes at Miyerkules.

Ang Martes ay araw ng linggo na sumusunod sa Lunes at bago sa Miyerkules. Ayon sa pandaigdigang pamantayan na ISO 8601, ang Lunes ay unang araw ng linggo; kaya't ang Martes ay pangalawang araw ng linggo. Gayunpaman, ayon sa ilang kalendaryo na kadalasang ginagamit, lalo na sa Estados Unidos, ang Linggo ay unang araw ng linggo, kaya't ang Martes ay pangatlong araw ng linggo. Sa mga bansang Muslim, ang Sabado naman ang unang araw ng linggo, kaya ang Martes ay ikaapat na araw ng linggo.

Ang pangalan nito sa Ingles ay nagmula sa mga lumang salitang Ingles na Tiwesdæg at Middle English na Tewesday, na nangangahulugang "Araw ni Tīw o Týr", ang diyos ng pakikibaka, katarungan at batas sa mitolohiyang Norse. Si Tiw ay tinukoy bilang si Mars sa interpretatio germanica, at ang pangalan ng araw ay isang pagsasalin ng Latin na dies Martis.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy