N'Djamena

N’Djamena

انجمينا Injamīnā

Fort-Lamy
Eskudo de armas ng N’Djamena
Eskudo de armas
N’Djamena is located in Chad
N’Djamena
N’Djamena
Kinaroroonan sa Chad at sa Aprika
N’Djamena is located in Aprika
N’Djamena
N’Djamena
N’Djamena (Aprika)
Mga koordinado: 12°8′5″N 15°3′21″E / 12.13472°N 15.05583°E / 12.13472; 15.05583
Bansa Chad
RehiyonN’Djamena
Lawak
 • Lungsod104 km2 (40 milya kuwadrado)
 • Metro
166 km2 (64 milya kuwadrado)
Taas
298 m (978 tal)
Populasyon
 (Senso 2009)[1]
 • Lungsod951,418
 • Kapal9,148/km2 (23,690/milya kuwadrado)
 • Metro
1,605,696
Sona ng oras+1
Kodigo ng lugar235
HDI (2017)0.553[2]
medium

Ang N'Djamena ( /ənɑːˈmnɑː/;[3][4] Pranses: N'Djaména; Arabe: انجميناInjamīnā) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Chad, isang bansa sa Aprika. Isa itong pantalan sa Ilog Chari malapit sa tagpuan nito at ng Ilog Logone. Tuwirang nakaharap ito sa bayan ng Kousséri sa Cameroon na ini-uugnay nito sa pamamagitan ng tulay. Isa rin itong natatanging katayuan na rehiyon na nahahati sa 10 mga arrondissement o distrito. Ito ay panrehiyon na pamilihan para sa mga domestikadong hayop, asin, datilero, at angkak. Ang mga pangunahing industriya ay pagpoproseso ng karne, isda at bulak. Nananatiling pusod ng gawaing ekonomiko ng Chad ang kabiserang lungsod.

Ang N’Djamena ay itinatag ng Pranses na komander na si Émile Gentil bilang Fort-Lamy noong 29 Mayo 1900, at ipinangalan mula kay Amédée-François Lamy, isang opisyal ng hukbo na napatay sa Labanan sa Kousséri ilang araw ang nakararaan.[5] Noon pa man ay isa na itong pangunahing lungsod ng pangangalakal at naging kabisera ng rehiyon at paglaon, ng bansa. Noong 6 Abril 1973, pinalitan ni Pangulo François Tombalbaye[5] ang pangalan nito sa N’Djamena (hango mula sa pangalang Arabe ng kalapit na nayon ng Niǧāmīnā na nagngangahulugang "place of rest" sa wikang Ingles) bilang bahagi ng kaniyang patakarang authenticité ng Aprikanisasyon.

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang gazetteer2009); $2
  2. "Sub-national HDI - Area Database - Global Data Lab". hdi.globaldatalab.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-09-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Definition of Ndjamena". The Free Dictionary. Nakuha noong 2014-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Define Ndjamena". Dictionary.com. Nakuha noong 2014-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Zurocha-Walske, Christine (2009). Chad in Pictures. Twenty-First Century Books. p. 17. ISBN 978-1-57505-956-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy