Palaro ng XXIX Olimpiyada Tsino: 第二十九届夏季奥林匹克运动会 Dì Èrshíjiǔ Jiè Xiàjì Àolínpǐkè Yùndònghuì | |
Punong-abala | Beijing, China |
---|---|
Salawikain | One world, one dream Isang mundo, isang pangarap (Tsino: 同一个世界 同一个梦想) |
Estadistika | |
Bansa | 204 |
Atleta | 10,942 (4,637 women & 6,305 men) |
Paligsahan | 302 in 28 sports (41 disciplines) |
Seremonya | |
Binuksan | 8 August |
Sinara | 24 August |
Binuksan ni | |
Nagsindi | |
Estadyo | Beijing National Stadium |
Kronolohiya | |
Tag-init | Nakaraan 2004 Atenas Susunod 2012 London |
Taglamig | Nakaraan 2006 Turin Susunod 2010 Vancouver |
Ang Palarong Olimpiko 2008[2] o Palaro ng Ika-XXIX na Olimpiyada (Tsino: 第二十九届夏季奥林匹克运动会; Pinyin: Dì Èrshíjiǔ Jiè Xiàjì Àolínpǐkè Yùndònghuì) sa panahon ng tag-init ay isang pandaigdigang paligsahang palaro na kinabibilangan ng iba't ibang mga laro, na isinagawa sa Beijing, Republikang Bayan ng Tsina mula Agosto 8 hanggang 24, 2008, at sinundan ng Palarong Paralimpiko 2008 (panahon ng tag-init) mula Setyembre 6 hanggang 17, 2008. Nilahukan ito ng 10,942 atleta na magsisipagtunggali sa 302 kaganapan sa 28 palaro, kung saan isang kaganapan ang naidagdag kung ihahambing sa orihinal na pagtatakda noong Palarong Olimpiko 2004[3] na ginanap sa Atenas, Gresya.
Iginawad sa Beijing ang pagganap ng Palarong Olimpiko makaraan ang botohan ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) noong Hulyo 13, 2001. Naglalaman ang opisyal na logo ng mga palaro, na pinamagatang "Sumasayaw na Beijing", ng isang ma-estilong kaligrapikong panitik na jīng (京, nangangahulugang kabisera), bilang pagtukoy sa nagpupunung-abalang lungsod. Ang limang Fuwa ay mga maskot ng Beijing 2008, na kumakatawan ang bawat isa sa isang kulay ng mga Singsing ng Olimpiko at bilang isang sagisag ng kalinangang Tsino. Tinatawag ng sawikaing pang-Olimpiko, ang Isang Daigidig, Isang Pangarap, ang sandaigdigan upang magkaisa sa kaluluwa ng Olimpiko. Maraming ilang Pambansang Lupon ng Olimpiko (NOC) ang kinilala rin ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko.
Itinaguyod ng pamahalaang Tsino ang Palaro upang maging mamukod-tangi at namuhunan nang lubos sa mga bagong pasilidad at mga sistemang pantransportasyon.[4][5] May kabuuang 37 pook na pinagdarausan ang ginamit para pasinayahan ang mga kaganapan kabilang ang 12 bagong-tayong mga pook. Sa maagang 2007, sinabi ng dating pangulo ng IOC na si Juan Antonio Samaranch na naniniwala siyang magiging "pinakahigit sa kasaysayan ng Olimpiyada ang palaro sa Beijing."[6] Ang paghirang ng Tsina bilang punung-abalang bansa ay nagkabunga ng mga puna ng mga ilang politiko at NGO na nag-aalintana sa tala ng karapatang pantao ng Tsina.[7][8] Samantala, nagbabala ang Tsina at iba pa laban sa pamumulitika ng Olimpiko.[9][10]
Ang Palaro ay nakapaglikha ng 43 bagong pandaigdigang tala at 132 bagong pangkat ng mga Olimpikong tala.[11] Isang tala ng 87 bansa na nanalo ng mga medalya sa panahon ng Palaro. Ang mga Tsinong manlalaro ay nakapagkamit ng 51 medalyang ginto, ang pangalawang pinakamalaking hakot ng pambansang kuponan sa isang makabagong, di-binoboykot na Palarong Tag-init.[12] Si Michael Phelps ay nakabasag ng mga tala ukol sa pinakamaraming gintong medalya sa isang Olimpiko at ukol sa gintong medalyang pangkarera para sa isang Olimpiyano. Nakahawak si Usain Bolt ng nakaugaliang titulong "Pinakamabilis na Tao sa Daigdig" sa pamamagitan ng mga bagong pandaigdigang tala sa mga banat ng 100m at 200m.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: Unknown parameter |dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2