University of the City of Manila | |
---|---|
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila | |
![]() | |
Sawikain | Karunungan, Kaunlaran, Kadakilaan |
Sawikain sa Ingles | "Wisdom, Prosperity, Honor" |
Itinatag noong | 19 Hunyo 1965 |
Uri | Public, Local university |
Apilasyong relihiyon | ASAIHL, IAU, ALCU |
Pangulo | Dr. Ma. Leonora V. de Jesus |
Academikong kawani | 2,000[1] |
Mag-aaral | 13,000 |
Mga undergradweyt | 12,000 |
Posgradwayt | 1,000 |
Lokasyon | , 14°35′12″N 120°58′33″E / 14.586620°N 120.975792°E |
Kampus | 30,000 square metre (3.0 ha)[1] |
Hymn | Pamantasang Mahal (Beloved University) |
Kulay | Gold, White, Blue, Red, and Green |
Palayaw | PLM |
Websayt | plm.edu.ph |
Ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), o University of the City of Manila sa Ingles, ay isang pampublikong pamantasan na pinatatakbo ng Pamahalaang lungsod ng Maynila. Ito ang pinakauna at pinakamalaking pamantasan na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas. Bukod dito, ito rin ang pinakaunang libreng paaralang pang-kolehiyo[2] sa bansa at siya ring kauna-unahang pamantasan na gumamit ng opisyal na pangalan sa Wikang Filipino sa buong daigdig.[3]
Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), matatawag na sentro ng kahusayan ang marami sa programa at departamento sa PLM.[4] Itinuturing din ng naturang Komisyon ang PLM bilang huwaran ng lahat ng mga institusyong pang-edukasyon na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan sa bansa.[4][5]
Sa pananaw at pagtatala ng Professional Regulation Commission (PRC), ang PLM ay kabilang sa limang nangugunang pamantasan sa Pilipinas sa larangan ng pagsusulit na ibinibigay ng Lupon.[5][6] Isa lamang ang PLM sa tatlong pampublikong pamantasan na napabilang sa talaan ng nangungunang sampung pamantasan sa parehong kategorya. Ang PLM ay siya ring pinakabatang pamantasan na napabilang sa nasabing listahan ng mga namamayagpag na pamantasan sa bansa.
Kamakailan, nabanggit mismo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakaroon ng kultura ng kahusayan sa PLM, maging ang pamamayagpag nito sa iba't ibang larangan.[7]
Ang mga nagsipagtapos sa PLM ay kilala sa tawag na PLMayers.
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang hollowed
); $2<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang pgma
); $2