Pandaigdigang Pamanang Pook

Plaka ng Pandaigdigang Pamana ng UNESCO sa Pambansang Liwasan ng Doñana sa Andalucía, Espanya

Ang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ay isang palatandaan o pook na may legal na proteksyon ng isang internasyonal na kombensiyon na pinangangasiwaan ng UNESCO. Itinatalaga ang mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO para sa pagkakaroon ng kahalagahang pangkalinangan, pang-agham, pangkasaysayan o iba pang anyo. Hinuhusgahan ang mga lugar na naglalaman ng "pangkalinangan at likas na pamana sa buong mundo na itinuturing na may natitirang halaga sa sangkatauhan".[1]

Upang mapili, ninomina ang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng bansang pinagmulan at tinutukoy ng kumiteng internasyunal na isang natatanging palatandaan na pangheograpiya at pangkasaysayan na makikilala at may natatanging pangkalinangan o pisikal na kahalagahan. Halimbawa, maari ang mga Pandaigdigang Pamanang Pook na sinaunang mga guho o makasaysayang istruktura, gusali, lungsod,[a] disyerto, kagubatan, pulo, lawa, monumento, bundok o ilang na lugar.[4][5]

Ang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ay maaaring magpahiwatig ng isang kahanga-hangang tagumpay ng sangkatauhan, at nagsisilbing ebidensya ng ating intelektuwal na kasaysayan sa planeta o maaaring ito ang isang lugar na may likas na kagandahan.[6] Noong Abril 2024, may kabuuang 1,199 Pandaigdigang Pamanang Pook (933 pangkalinangan, 227 likas at 39 na pinaghalong katangiang kalinangan at likas na katangian) ang umiiral sa 168 bansa. Sa 59 na napiling lugar, Italya ang bansang may pinakamaraming lugar; sinundan ng Tsina na may 57, pagkatapos ang Pransya at Alemanya na may tig-52. [7]

Inilaan ang mga lugar para sa praktikal na konserbasyon para sa mga susunod na henerasyon, na kung hindi man ay mapapasailalim sa panganib mula sa panghihimasok ng tao o hayop, hindi sinusubaybayan, walang kontrol o hindi pinaghihigpitang pagpasok, o banta mula sa lokal na administratibong kapabayaan. Nilalagyan ang mga lugar ng demarkasyon ng UNESCO bilang mga protektadong sona.[1] Pinananatili ang listahan ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng internasyonal na Programa ng Pandaigdigang Pamana na pinangangasiwaan ng Komite ng Pandaigdigang Pamana ng UNESCO, na binubuo ng 21 "partidong estado" na inihalal ng Kapulungang Pangkalahatan ng mga Nagkakaisang Bansa, at pinapayuhan ng mga pagsusuri ng mga internasyonal na pangkat ng mga eksperto sa likas o kasaysayan ng kultura, at edukasyon.[8]

Kinakatalogo, pinapangalan, at pinapanatili ng programa ang mga lugar na may namumukod-tanging kahalagaang pangkalinangan at pamana ng sangkatauhan. Nagsimula ang programa sa Convention Concerning the Protection of the World Cultural and Natural Heritage (Kumbensyon ng may Kinalaman sa Proteksyon ng Pandaigdigang Pamanang Pangkalinangan at Likas)[9] na pinagtibay ng Pangkalahatang Pagpupulong ng UNESCO noong Nobyembre 16, 1972. Simula noon, pinagtibay ng 195 na estado ang kombensiyon,[10] na ginagawa itong isa sa pinakakilalang internasyonal na kasunduan at pinakasikat na programang pangkultura sa buong mundo.[11] Upang maisaalang-alang, ang mga ari-arian ay dapat na nasa ilalim ng ilang uri ng proteksyon o konserbasyon ng estado at hinirang ng bansa kung saan naroon ang pamanang lugar.

  1. 1.0 1.1 "World Heritage" (sa wikang Ingles). UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hetter, Katia (16 Hunyo 2014). "Exploring the world's first 12 heritage sites" (sa wikang Ingles). CNN. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-05-26. Nakuha noong 22 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "World Heritage List (ordered by year)" (sa wikang Ingles). UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-05-26. Nakuha noong 25 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Sullivan, Ann Marie (2016). "Cultural Heritage & New Media: A Future for the Past". John Marshall Review of Intellectual Property Law (sa wikang Ingles). 15: 604–46. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-04-05. Nakuha noong 11 Abril 2018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Allan, James R.; Kormos, Cyril; Jaeger, Tilman; Venter, Oscar; Bertzky, Bastian; Shi, Yichuan; MacKey, Brendan; Van Merm, Remco; Osipova, Elena; Watson, James E.M. (2018). "Gaps and opportunities for the World Heritage Convention to contribute to global wilderness conservation". Conservation Biology (sa wikang Ingles). 32 (1): 116–126. Bibcode:2018ConBi..32..116A. doi:10.1111/cobi.12976. PMID 28664996.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Criteria for Selection" (sa wikang Ingles). UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Hunyo 2016. Nakuha noong 14 Oktubre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "World Heritage List" (sa wikang Ingles). UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2020. Nakuha noong 26 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The World Heritage Committee" (sa wikang Ingles). UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hulyo 2020. Nakuha noong 14 Oktubre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Convention Concerning the Protection of World's Cultural and Natural Heritage" (PDF) (sa wikang Ingles). UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 5 Hulyo 2020. Nakuha noong 22 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "States Parties – UNESCO World Heritage Centre" (sa wikang Ingles). UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2011. Nakuha noong 21 Marso 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Edmondson, Jordan & Prodan 2020.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy