Pisikang nuklear

Ang písikáng nukleár (Kastila: fisica nuclear)[talababa 1] ay isang bahagi ng pisika na nag-aaral ng nukleyus ng atom. Ang lahat ng mga bagay sa mundo ay binubuo ng mga atom; sila ang pinaka maliliit na bahagi ng isang elementong pangkimika na mayroon pa ring mga pag-aaring katangian ng ganiyong tiyak na elemento. Kapag dalawa o mahigit pang mga atom ang nagsama, lumilikha sila ng nakikilala natin bilang isang molekula, na siyang pinaka maliit na bahagi ng isang kumpuwestong kimikal na mayroon pa ring mga pag-aaring katangian ng ganiyong tiyak na kumpuwesto. Ang pag-unawa sa kayarian ng mga atom ang susi sa mga pag-aaral na katulad ng pisika, kimika, biyolohiya, at iba pa.

Diyagrama ng Siklong CNO.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "talababa", pero walang nakitang <references group="talababa"/> tag para rito); $2


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy