Python (wikang pamprograma)

Ang Python Programming Language ay binuo ni "Guido Van Rossum" nung huling bahagi ng dekada 80 nung siya ay isang mananaliksik pa lamang sa Centrum Wiskunde & Informatica (CWI) o Center for Mathematics and Computer Science sa Amsterdam, Netherlands. Sa katanuyan nabuo ito bilang isang proyekto para may mapagkaabalahan lamang si Guido sa kanyang Christmas vacation noong Disyembre 1989. Di naglaon naging bahagi ito ng proyektong Amoeba sa CWI at ini-release sa publiko ito noong Pebrero 1991.

Hindi galing sa sawa ng pamilyang Pythonidae ang pangalan ng computer language na ito kundi galing sa isang grupo ng komedyanteng taga-Britanya na kung tawagin ay "Monty Python's Flying Circus".

Ang Python ay isang makabagong uri ng mataas na antas na programming language na kung saan ginagamit na dito ang mga elemento at termino na gaya ng isang natural na wika, kung kaya't madali itong gamitin at maaring ilipat sa kahit na anong platform. Halimbawa, pwedeng isulat ang python code sa Mac OS, i-test ito sa anumang uri ng Linux at i-upload sa Windows NT na hindi na kailangang baguhin pa ang mga code.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy