Romanisasyong McCune-Reischauer

Ang romanisasyong McCune-Reischauer ay ang isa sa pinakalaganap na pamamaraan ng pagsasalin ng wikang Koreano sa mga titik na Romano. Ang binagong bersyon ng McCune-Reischauer ang opisyal na sistemang romanisasyon na ginagamit sa Timog Korea hanggang taong 2000, nang ito ay napalitan ng sistemang Binagong Romanisasyon ng Koreano. Ang isa pang uri ng McCune-Reischauer ay ginagamit pa rin bilang opisyal na sistema ng pagsasalin-sulat sa Hilagang Korea. Ang sistemang ito ay nilikha noong 1937 ni George M. McCune at Edwin O. Reischauer. Maliban sa iilang pagkakataon, ito'y di sinusubukang isalin-sulat ang Hangul ng Korea bagkos ay upang katawanin ang ponetikong pagbigkas ng wika. Ang McCune-Reischauer ay malawakang ginagamit sa labas ng Korea.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy