Sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas

Mapa ng mga mabilisang daanan sa Luzon
North Luzon Expressway, ang kauna-unahang mabilisang daanan sa Pilipinas

Ang sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas (Ingles: Philippine expressway network) ay isang sistema ng mga mabilisang daanan o expressways na pinangangasiwaan ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH) na binubuo ng lahat ng mga mabilisang daanan at panrehiyon na lansangang may mataas na pamantayan (regional high standard highways) sa Pilipinas.[1] Ang mga lansangang mataas na pamantayan ay nangangahulugang mga lansangang nagbibigay ng mataas na lebel ng serbisyong trapiko sa pamamagitan ng pagtitiyak ng mabilis na kadaliang mapakilos at ligtas na biyahe upang makailangang masuporta ang mga gawaing sosyoekonomiko para sa tamang sosyoekonomikong pag-unlad ng mga estratehikong rehiyon at ng bansa sa pang-kabuoan.[1] Sa Pilipinas, ang mga mabilisang daanan ay mga daang maybayad (toll roads) na pinapanatili ng pribadong sektor sa ilalim ng konsesyon mula sa pamamahalaan. Ang mga panrehiyon na lansangang may mataas na pamantayan (regional high standard highways) ay mga partial na may-takdang pagpasok na lansangan na ginagamit bilang pandagdag (supplementary) sa mga mabilisang daanan.[1]

Umabot sa 420 kilometro (260 milya) ang haba ng sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas noong 2015 at ipapahaba ito sa 626 kilometro (389 milya) pagsapit ng taong 2020 at 995 kilometro (618 milya) paglampas ng taong 2030 ayon sa master plan na isinumite ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong 2010.[2]

  1. 1.0 1.1 1.2 "The Study of Masterplan on High Standard Highway Network Development in the Republic of the Philippines" (PDF). Japan International Cooperation Agency. Hulyo 2010. Nakuha noong 15 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Master Plan for High Standard Highways/Expressways for PPP". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Mayo 2017. Nakuha noong 15 Mayo 2017. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy