Sulat sa Bagong Tipan

Bagong Tipan ng Bibliya

Ang mga sulat ay mga aklat na bahagi ng Bagong Tipan ng Bibliya. Matatagpuan ang mga liham na ito pagkaraan ng Aklat ng mga Gawa ng mga Alagad. Sapagkat inakdaan ng mga naunang pinuno ng Simbahang Kristiyano, may layunin ang mga sulat na ito na makapagbigay ng mga gabay o patnubay sa gawi kung paano mamuhay bilang tunay na Kristiyano.[1] Bumubuo ang pangkat ng mga liham na ito sa ikalawang pangunahing kahatian ng Bagong Tipan ng Bibliya.[2]

  1. Reader's Digest (1995). "Introduction to the Old and New Testaments, pahina 16". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "New Testament, pahina 161-162". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy