Sulat sa mga Hebreo

Bagong Tipan ng Bibliya

Ang Sulat sa mga Hebreo ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya na nakahanay sa mga Sulat ni San Pablo. Bagaman nakahanay ito sa mga liham na isinulat ni Pablong Apostol, hindi natitiyak kung sino talaga ang may-akda nito,[1] sapagkat hindi pangkaraniwan ang liham dahil sa kawalan ng lagda at ang pangalan ng may-akda ay tila hindi kailanman nalalaman ng maagang Simbahang Kristiyano.[2] Nagkaisa lamang ng mga palagay ang mga dalubhasa sa Bibliya na hindi ito isa sa mga tunay na sulat ni San Pablo dahil sa pagiging kaiba ng kaparaanan ng pagkakasulat.[1]

  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Sulat sa mga Hebreo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1750.
  2. "Letter to the Hebrews". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Pauline Epistles, New Testament, Bible, pahina 162.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy