Teorya ng laro

Ang teoriya ng laro (Ingles: game theory) ang pag-aaral ng stratehikong paggawa ng desisyon. Sa mas pormal na paglalarawan, ito "ang pag-aaral ng mga modelong matematikal ng alitan at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga matalinong makatwirang mga tagagawa ng desisyon." [1] Ang isang alternatibong terminong iminungkahi "bilang isang mas deskriptibong pangalan para sa disiplina" ang interaktibong teoriyang desisyon.[2] Ang teoriya ng laro ay pangunahing ginagamit sa ekonomika, agham pampolitika, sikolohiya gayundin sa lohika at biolohiya. Ang paksang ito ay unang sumagot sa mga larong sumang-sero (zero-sum game) na ang pakinanabang ng isang tao ay eksaktong katumbas ng netong mga kawalan ng iba pang mga kalahok. Gayunpaman, sa kasalukuyan, ang teoriya ng laro ay lumalapat sa isang malawak na saklaw ng mga relasyon ng klase at umunlad sa isang terminong payong para sa lohikal na panig ng agham upang isama ang parehong tao at mga hindi tao gaya ng mga kompyuter. Ang mga klasikong paggamit ay kinabibilangan ng isang kahulugan ng balanse sa maraming mga laro kung saan ang bawat tao nakatuklas o nakabuo ng isang taktika na hindi matagumpay na makapagpapabuti ng mga resulta sa ibinigay na pakikitungo ng iba. Ang modernong teoriya ng laro ay nagmula sa ideya tungkol sa pag-iral ng stratehiyang-halong ekwilibria sa dalawang-taong mga larong sumang-sero at ang patunay nito ni John von Neumann. Ang orihinal na patunay ni Von Neumann ay gumamit ng teoremang nakapirmeng-punto ni Brouwer sa tuloy tuloy na mga pagmamapa tungo sa siskik na mga hanay na konbeks na naging isang pamantayang paraan sa teoriya ng laro at ekonomikang matematikal. Ang kanyang papel ay sinundan ng kanyang 1944 aklat na Theory of Games and Economic Behavior kasama ni Oskar Morgenstern na nagsaalang alang ng mga larong pakikipagtulungan ng ilang mga manlalaro. Ang ikalawang edisyon ng aklat na ito ay nagbigay ng teoriyang aksiyomatiko ng inaasahang utilidad na pumayag sa mga estadistikong matematikal at ekonomista na itrato ang paggawa ng desisyon sa ilalim ng kawalang katiyakan. Ang teoriyang ito ay malawak na pinaunlad noong mga 1950 ng maraming mga skolar. Ang teoriya ng laro ay kalaunang hayagang inilapat sa biolohiya noong mga 1970 bagaman ang parehong mga pag-unlad ay bumabalik sa hindi bababa sa mga 1930. Ang teoriya ng laro ay malawak na kinikilala bilang isang mahalagang kasangkapan sa maraming mga larangan. Ang walang mga teorista ng laro ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa ekonomika at si John Maynard Smith ay pinarangalan ng Gantimpalang Crafoord para sa kanyang paglalapat ng teoriya ng laro sa biolohiya.

  1. Roger B. Myerson (1991). Game Theory: Analysis of Conflict, Harvard University Press, p. 1. Chapter-preview links, pp. vii-xi.
  2. R. J. Aumann ([1987] 2008). "game theory," Introduction, The New Palgrave Dictionary of Economics, 2nd Edition. Abstract.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy