| |
---|---|
Watawat | |
Sentrong Pampolitika | Bruselas Luxembourg Strasbourg |
Opisyal na wika | |
Katawagan | Europeo[2] |
Mga Kasaping Estado | |
Pamahalaan | Sui generis |
Charles Michel | |
David Sassoli | |
Alemanya | |
• Komisyon | Ursula von der Leyen |
Unyong Europeo | |
18 Abril 1951 | |
25 Marsoh 1957 | |
7 Pebrero 1992 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 4,324,782 km2 (1,669,808 mi kuw) (n/a) |
• Katubigan (%) | 3.08 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2008 | 499,673,300 (n/a) |
• Densidad | 114/km2 (295.3/mi kuw) (n/a) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2008 (IMF) |
• Kabuuan | $15.247 trillion |
• Bawat kapita | $30,513 |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2008 (IMF) |
• Kabuuan | $18.394 trillion (n/a) |
• Bawat kapita | $36,812 |
Gini (2009) | 30.7(EU25)[3] katamtaman |
TKP (2006) | 0.960-0.825[4] mababa · n/a |
Salapi | |
Sona ng oras | UTC+0 to +2 |
• Tag-init (DST) | UTC+1 to +3 |
Kodigong pantelepono | Tingnan ang listahan |
Internet TLD | .eu |
Ang Unyong Europeo (UE), na kilala rin bilang Samahang Europeo o Kaisahang Europeo (Ingles: European Union o EU) ay isang supranasyonal at intergubernamental na unyon ng 28 malaya at demokratikong bansang-kasapi. Ang Unyong Europeo ay ang pinakamalaking kompederasyon ng mga malayang estado, na itinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992 ng Kasunduan sa Pagkakaisa ng Europa (ang Tratado ng Maastricht). Subali't, maraming mga aspekto ng Unyon ay namalagi na bago ng araw na iyon sa pamamagitan ng isang serye ng mga sinundang relasyon na bumabalik sa 1951.[5]
Ang Unyon sa kasalukuyan ay may isang karaniwang nag-iisang kalakalan na binubuo ng isang unyong pang-adwana, isang nag-iisang salapi na pinamamahala ng Europeong Bangko Sentral (sa ngayon ay inaangkin ng 13 ng 28 mga estadong-kasapi), isang Karaniwang Patakarang Pansaka, isang karaniwang patakarang pang-kalakalan, at ng isang Karaniwang Patakarang Pampalaisdaan.[6] Isang Karaniwang Patakarang Panlabas at Panseguridad ay itinatag rin bilang ikalawa sa mga tatlong haligi ng Unyong Europeo. Ang Kasunduang Schengen ay nagpaalis ng mga kontrol sa pasaporte para sa ilang mga estadong-kasapi, at ang pagsusuring pang-adwana ay inalis rin sa maraming mga interyor na hangganan sa UE, na gumawa sa isang ekstento isang nag-iisang espasyo ng mobilidad para sa mga mamamayan ng UE na manirahan, mag-biyahe, mag-trabaho at mamuhunan.[7]
Ang mga pinakamahalagang institusyon ng UE ay nagsasama ng Sangguniang Europeo, ang Lupong Europeo, ang Hukumang Europeo ng Katarungan, ang Batasang Europeo, ang Konsehong Europeo, at ang Europeong Bangko Sentral. Ang mga pinanggalingan ng Parlamentong Europeo ay bumabalik sa dekadang 1950 at ng mga nagtatatag ng tratado, at mula sa 1979 ang mga miyembrong nito ay inihahalalal ng mga taong kanilang kinakatawan. Kada limang taon nagkakaroon ng halalan kung saan ang mga naka-rehistrong mamamayan ng UE ay maaaring bumoto.
Ang mga aktibidad ng Unyong Europeo ay sumasakop sa karamihang lapad ng patakarang publiko, mula sa patakarang ekonomika sa ugnayang panlabas, tanggulan, pagsasaka at kalakalan. Pero, ang ekstento ng kapangyarihan nito ay umiiba ng kahanga-hanga kahalubilo ng mga sakop. Sa ilan ang UE ay maaaring magkawangis sa isang pederasyon (hal. sa ugnayang pampananalapi, patakarang agrikultural, pang-kalakalan at pang-kalikasan, patakarang ekonomika at panlipunan), sa iba isang kompederasyon (hal. sa ugnayang panloob), at sa iba pa rin isang organisasyong internasyonal (hal. sa ugnayang panlabas).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)