Wikang Arameo

Para sa ibang gamit, tingnan ang Arameo (paglilinaw).
Huwag itong ikalito sa Amhariko, ang opisyal na wika ng Etiyopiya.
Arameo
ܐܪܡܝܐ / ארמיא / 𐡀𐡓𐡌𐡉𐡀
Arāmāyā
Distribusyong
heograpiko:
Mesopotamya, Levant, Mabungang Gasuklay, Northern Arabia
Klasipikasyong lingguwistiko:Afro-Asiatiko
Mga subdibisyon:
Arāmāyā in Syriac Esṭrangelā script
Alpaberong Syriac-Aramaiko
Wikang Hebreo (kaliwa) at Wikang Aramaiko (kanan) ng Tanakh, 1299 CE,Bodleian Library

Ang wikang Arameo o wikang Aramaiko ay isang wikang Semitiko na sinalita sa Aram na lumitaw noong ca. 1000 BCE. Ang Alpabetong Aramaiko ay binatay sa Alpabetong Phoenicio at nagmula sa mga silangang rehiyon ng Aram. Dahil dahil sa migrasyon na Arameo pasilangan, ang mga kanluraning labas na sakop ng Asirya ay naging bilingual na gumagamit ng parehong Wikang Akkadiyo at Aramaiko. Nang sakupin ng hari ng Imperyong Neo-Asirya na si Tiglath-Pileser III ang mga lupaing Arameo sa kanluran ng Ilog Eufrates, ang Aramaiko ang naging ikalawang opisyal na wika ng Imperyong Neo-Asirya at buong pumalit sa wikang Akkadiyo. Mula 700 BCE, ang wikang Aramaiko ay lumaganap sa lahat ng direksiyon. Ang iba't ibang dialekto ay lumitaw sa Asirya, Babilonya, Levant at Ehipto. Noong 600 BCE, ang haring Cananeo na si Adon ay gumamit ng wikang Aramaiko upang sumulat sa paraon ng Sinaunang Ehipto. Sa pananakop ng Imperyong Akemenida sa Mesopotamya sa ilalim ni Dario I, ang Aramaiko ay ginamit na wika ng isinusulat na pakikipagtalastasan sa pagitan ng iba't ibang rehiyon sa buong imperyo.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy